in

Bea Alonzo namasyal sa Hong Kong Disneyland kasama ang Pamilya

Nitong Lunes, ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram ang kanilang pagbisita sa “happiest place on earth” – ang Hong Kong Disneyland, kasama ang kanyang pamilya. Kasama rin niya ang kanyang mga magulang at kapatid at nagpa-picture sila sa bawat sulok ng lugar.

Nakita rin nila ang newly reopened Disneyland castle at Hong Kong Disneyland Hotel at nakapanood ng bagong show sa Disneyland na pinamagatang “Momentous,” na nagtatampok ng mga ilaw at fireworks display.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Hong Kong Disneyland dump,” ayon kay Bea Alonzo sa kanyang Instagram post.

Sa kanyang bagong vlog na ibinahagi sa YouTube, ibinahagi ng aktres kung gaano sila nasiyahan sa kanilang pagbisita sa pinakamasayang lugar sa mundo.

Nag-stay sila sa Hong Kong Disneyland Hotel at ang pinaka-enjoy ay ang kanyang pamangkin na si Santi.

Naglakad-lakad sila sa buong araw, nanood ng mga programa at sumakay ng mga rides. Isa sa mga bagay na kanilang nagustuhan ay ang pagkain. Hindi sila nakapaglibot sa buong park sa isang araw kaya nagdesisyon silang tapusin ito sa ikalawang araw.

Nagbukas ang Hong Kong sa mga turista ngayong taon. Kabilang sa mga kinakailangan ay ang Rapid Antigen Test sa loob ng 24 oras bago ang schedule ng flight at pagsusuot ng face mask.

Samantala, ilang sikat na personalidad tulad nina Team Kramer, pamilya ni Patrick at Nikka Garcia, Elisse Joson at anak na si Felize, Maine Mendoza at Arjo Atayde, at si Marjorie Barretto kasama ang kanyang mga anak ay nakapagbisita na rin sa HK Disneyland.

Written by Andi Garcia

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments

Andrea Torres, mga pagbabago sa kanyang buhay matapos ang kanyang role bilang “Sisa”