in

P1M para sa mga 101 years old senior citizens, isinusulong sa Kamara

Isinusulong sa Kamara ang panukalang magkaloob ng P1 milyong cash gift sa mga senior citizens sa kanilang ika-101 na kaarawan.

Ayon sa Special Committee on Senior Citizens ng Kamara, ang panukala na ito ay naglalayong mabigyan ng karangalan ang mga Pinoy na nakatatanda na ng 100 taon at nagtagumpay sa kanilang buhay.

Sa ilalim ng House Bill 7535, kapag aprubado ito, tatanggap ang mga senior citizens ng liham mula sa Pangulo ng Pilipinas kasama ng kanilang cash gift. Ito ay sampung beses na mas malaki sa nakasaad sa Centenarians Act of 2016 na nagbibigay ng 100,000 pesos na cash incentives sa mga Pinoy na umabot sa ika-100 na kaarawan.

Dagdag pa sa panukala na ito, sa edad na 80, 85, 90, at 95 taon ay tatanggap din ang mga senior citizens ng liham mula sa Pangulo at cash gift na 25,000 pesos.

Nais ng komite na bigyan ng karangalan at benepisyong cash gift ang mga nonagenarians at octogenarians habang malakas pa sila.

Ito ay isang magandang hakbang ng Kamara dahil noong nakaraang taon, nasa 700 centenarian ang naghihintay pa ng kanilang cash gifts. Sana sa pamamagitan ng panukalang ito, mas mabilis na matatanggap ng mga senior citizens ang kanilang karangalan at benepisyong cash gift.

 

 

SOURCE

Written by Andi Garcia

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments

Marcos admin hiniling sa INTERPOL na maglabas ng Blue Notice vs sa mga suspek pagpatay kay Gov. Roel Degamo

Humiling ng tulong sa Barangay.. DILG, nababahala sa giyera kontra droga