in

Nora Aunor Nakitang Namimigay ng Pera sa Set ng Kanyang Bagong Pelikula

Ang “National Artist” at beteranang aktres na si Nora Aunor ay nag-trending online matapos siyang makita na nagbibigay ng pera sa set ng kanyang bagong pelikula.

Si Mawi Rojalps, isang Facebook user, ang nag-post ng isang video ng “Superstar” ng pelikulang Pilipino habang nagbibigay ng pera sa mga bata sa set ng kanyang pelikulang Pieta. Binati ng mga netizens si Nora matapos niyang ipakita ang kanyang kabaitan sa mga bata.

Makikita sa post na nagbibigay si Nora ng P100 sa mga bata at hindi nagpahuli ang mga batang nabiyayaan sa pagpapasalamat sa National Artist. Hindi mapigilang magpuri ng mga fan ni Aunor, na tinatawag na “Noranians,” sa aktres dahil sa kanyang kabutihang loob sa publiko.

Samantala, napansin ng mga manonood ang hindi maayos na mata ni Aunor sa pelikula, ngunit ayon sa isa sa mga nasa likod ng produksyon, nakasuot lamang si Nora ng contact lenses. Marami sa mga tagasubaybay ni Nora ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala matapos makita ang isang larawan ng aktres na nakasakay sa wheelchair.

Kumpirmado naman ng management ni Nora na hindi naman siya may malubhang kalagayan sa kalusugan. Nais ng aktres na ipaalam sa mga taong nag-aalala sa kanya, lalo na sa kanyang mga tagahanga, na siya ay nasa mabuting kalagayan.

“Sa mga nag-alala sa akin, lalo na ang mga sumusuporta sa akin ay gusto ko lang ipaalala na okay po ako,” aniya.

 

 

SOURCE

Written by Andi Garcia

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments

Isang driver nakipagtalo sa sa MTPB Enforcer (Manila) matapos mahuli sa Yellow Light

Jormiel Labador nagpaliwanag kung bakit galit si Rendon kay Coco: ‘Di nagustuhan ang acting, hindi kinuha’