Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kaso ng illegal possession of firearms and unlawful possession of explosives laban kay Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ayon kay DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano, hindi nahuli ang mambabatas sa ginawang raid ng mga awtoridad, at ang mga armas ay nasa kustodiya ng isang si “Roland Aguinsanda Pablio.”
Gayunpaman, sa kabila ng pagbasura sa kaso, may pitong iba pang kaso si Teves ng illegal possession of firearms, ammunition, explosives, at ang kanyang mga anak.
Nauna nang hinikayat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Teves na bumalik sa bansa. Ngunit ang mga ulat ay nagsasabing hindi sa Estados Unidos nakatira si Teves kundi sa isa pang bansa sa Asya.
Hindi pa naglabas ng pahayag si Teves kaugnay sa desisyon ng DOJ.